the notorious m.i.a (nekoism) wrote in alabangbois,
the notorious m.i.a
nekoism
alabangbois

  • Music:

Eito Rangers: K-6

PAMAGAT: EITO RANGERS
PAIRING: Sa chapter na ito... YUNG FAVORITE NI MAKI! ^_^
GENRE: PURE EITO LOVE AND CRACK.
RATING: PG-13
NOTES: Dedicated ang chapter na itey sa pinakasexy at pinaka-FRESH na member ng Kanjani 8. SIguro nahulaan niyo na. (AND NO HINDI AKO BIASED NANG LAGAY NA YON!) Comment-comment naman diyan... sembreak na ngayon so SANA, SANA TALAGA marami nang updates! XD



IKAANIM NA KABANATA: Ang Modelo


Ako ay isang gwapo at machong modelo. Ang pangalan ko ay Tadayoshi Ohkura. Hindi OKRA ah, OH-KU-RA. Sasapakin ko ang sinumang i-compare ako sa gulay. Napakaraming kababaihan ang nahuhumaling sa akin. Minsan nga, pati mga bading at tunay na lalake ay nababading sa image ko…

Photographer: Hoy Tadayoshi, bakit yata parang tumataba ka na? Anong nangyari sa yo? Magpapayat ka nga nang konti! Hindi balance yung porma ng tiyan mo sa mga pata mo. Wala na akong reklamo sa puwet mo, matagal nang malaki yan. *ahem* At di pa bagay yung design ng brief na napili mo… Walang ka art-art! Tsk tsk tsk…

Uy promise… Sexy ako dati. Medyo napapasarap lang ang kain ko ngayon kasi masarap magluto ang aking ‘honeycured’. Ang swerte ko sa girlfriend kong iyon. Libre na tuloy ako sa aking make-up and beautification dahil siya ang may-ari at manager ng parlor. Siya din ang aking fashion consultant dahil marami syang alam sa mga latest na damit dahil siya ay kumukuha…I mean, kumuha ng kursong BS Fine ARTS.

Manikurista: Hon, sige lang. Kain lang nang kain huh… Wag kang mahihiya!

Ohkura: *nabilaukan sa sobrang daming kinakain*

Manikurista: *palo likod*

Ohkura: *nasubsob yung mukha sa platong may pagkain*

Manikurista: Sorry Hon! Ayos ka lang ba?

Ohkura: Ano sa tingin mo? *punas mukha*

Tuloy ang pagkain. Nabilaukan si Ohkura…

Ohkura: Tu-tu-tubeeeeeg~!

Manikurista: *lumalamon na din* MMMM SARAP TALAGA NG SINIGANG KO!

Ohkura: *namumutla na* Tu---tubeeeeeeeg!

Manikurista: Manigas ka diyan. Lagi mo kong tinatawag na baboy, Yan ang karma mo!

Promise ulit, mahal ako ng aking honeycured. Alam naman niyang paglalambing ko yung pagtawag sa kanya ng baboy o taba. Minsan, Pigrolac pa nga eh. Pag siya nagiging pasaway, sabi ko papadala ko siya sa Monterey para katayin. Ang sweet namin, ano?

Ohkura: Nga pala, pakipalitan na itong nail art ko. May pictorial kami mamaya. Nature ang theme kaya gusto ko, green ang major color na gagamitin mo.

Manikurista: O sige. Akong bahala diyan… Ako pa! *labas manicure set*

Ohkura: Tsaka effective yung ginawa mo last week. Akala ng mga kasamahan ko, nag-gym ako… Naiinggit sila sa 6 packs ko…

LAST WEEK…

Model1: Uy! Bat late ka na naman? Hinahanap ka na ni manager.

Ohkura: Sorry na… Naka-away ko na naman yung bwisit na MMDA na iyon eh.

Model1: Bakit ba sa araw araw na ginawa ng Diyos, lagi mong nakakaaway yun? Ano bang ginagawa mo?

Ohkura: Wala naman eh. Siguro… closet queen yon at type lang ako….

BALIK-TANAW (naks, tagalog!)

Ohkura: Ano na naman ang reklamo mo sa akin ngayon?

MMDA: Beating the red light ka, tsong.

Ohkura: Anong beating the red light? Wala naman akong pinapalo o sinisira na light bulb na kulay red ah? Nagda- drive lang ako kaya pwede ba paandarin mo na ako?

MMDA: Niloloko mo ba ako?! Aber, at ilang taon ka na ulit may lisensya?

Ohkura: HAAAAY! Araw-araw na lang, tinatanong mo sa akin yan… 2 YEARS NA!

MMDA: Eh kasi naman, 2 YEARS ka na ngang may lisensya, hindi mo pa rin alam ang mga street rules sa pagda-drive…

Tyempong may elementary student na patawid na may mga colored papers sa envelope… Kinuha niya ito kasabay sa pagbatok sa bata…

MMDA: Ito… anong kulay ito?

Ohkura: Ang bobo mo naman… Green lang di mo pa alam…

MMDA: AT SINONG BOBO SA ATIN? Ni hindi mo nga alam ang meaning nito eh!

Ohkura:
Anong hindi? Ang kulay green ay nagsi-symbolize ng nature!

MMDA: NATURE KA DIYAN! Ang green ay nagsi-symbolize ng GO… In other words, yun ay senyales na pwede ka pa rin magdrive sa isang intersection…. Ano naman ito?

Ohkura: Yellow…Color blind ka ba?

MMDA: Hindi noh! Ikaw nga yata itong color blind. Kapag nakikita mo ito, ni hindi mo man lang binabagalan ang takbo mo.

Ohkura: Hindi naman ako tumatakbo ah… Nagda-drive ako.

MMDA: WAG KANG PILOSOPO SAKIN! Pipilosopohin din kita! Magpilosopohan tayo! GANYANAN NA! O eto… Eto ang dahilan kung bakit kita hinuhuli ngayon… Anong kulay ito?

Ohkura: *sigh na dismayado* Pula…Red… Rojo pag Spanish. Ano pang gusto mo?

MMDA: Anong gagawin mo kapag nakita mo ito?

Ohkura: *isip saglit* Kapag sa babae ko nakita, sasabihan ko siya na may tagos siya… Kapag sa lalaki naman, sasabihan ko siya na may naupuan siyang ketchup…

MMDA: AT ALAM MO NAGKUKULAY PULA NA ANG PANINGIN KO! STOP LANG DI MO PA ALAM!!!!!! *hingal hingal, high blood, usok tenga*

Ohkura: Anong stop ka dyan? Don’t try to English me. I’ll English you! I’m a model!

MMDA: Anong pake ko kung model ka? Ni hindi ko nga nakikita yang pagmumukha mo sa mga billboard eh… repeat after me… Green-Go; Red-Stop…

Bata: Kuya… Malalate na po ako sa klase ko. Akin na po yang gamit ko… *hila damit ng MMDA*

MMDA: Ay ganon ba? Pasensya na iho huh… Pasaway kasi itong…

Ohkura: *Pinatakbo na ang kanyang Honda Jazz*

MMDA: Hoy! Bumalik ka dito! Lagi mo nalang akong tinatakasan! Naiipon na yung mga ticket moooo!

- END FLASHBACK -

Model1: Baka naman may kasalanan ka talaga kaya ka hinuhuli lagi..

Ohkura: Wala no… 2 years na akong may lisensya… Expert na ata ito.

Model1: Hay nako kahit kailan ka talaga puno ka ng hangin.

Ohkura: Hoy ah hindi ako parating umuutot.

Model1: May sinasabi ba akong ganon?! Oh siya… pumunta ka na kay manager.

Ohkura: Ok. *punta sa room ng manager*

Manager: Ohkura! Buti dumating ka na… kanina pa kita hinihintay. Upo ka.

Ohkura: *upo* Bakit po?

Manager: Wala lang naman… Nagpapasalamat lang sa iyo ang ating designing team.

Ohkura: Bakit naman? Anong nagawa ko?

Manager: Dati kasi 4 hours nilang ine-edit ang picture mo para magmukhang sexy… Ngayon ay 1 hour nalang. Ang galing ng naisip mo na pa make up-an din ang tiyan mo.

Ohkura: Wa-wala yun. Hehehe. Naisip ko lang yun nung isang araw…

Manager:
Well, para sa susunod na photoshoot natin… Nandiyan na yung mga brief na imo-model mo. Mamili ka na lang ng gusto mo.

Ohkura: O sige po boss… Pupunta na ako don.

Manager:
Nga pala… Pakisamahan mo ulit ako sa isang stag party sa hotel.

Ohkura: Stag party? Baka magmukha na namang children’s party yan?

Manager: Hindi na. Promise… Ako ang nag balak nun e.

Ohkura: O sige po… Sabihin niyo nalang sa akin kung kailan.

Manager: Sa susunod na Sabado. Kita kits na lang!

Ohkura: *labas ng kwarto* Stag party… teka… yung isang clown dati… parang namumukhaan ko siya…


ISA PANG FLASHBACK SA PARLOR NUNG BOY—GIRLFRIEND NIYA.


Ohkura: Pakigandahan na lang yung nail art ko huh… May pictorial pa ako mamaya eh.

Manikurista: Sure sure, basta sa yo, suki.

Janitor: *bulong pero medyo naririnig pa rin ni Ohkura* Kahit anong pagpapaganda ang gawin mo sa kamay mo, hindi tatalab yan… Parang kamay ng unggoy eh. Ay hindi nga… mas maganda pa nga kamay ng unggoy diyan.

Ohkura: ANO? May sinasabi ka ba?

Janitor: Wala! Naglilinis ako dito… ikaw ang magulo diyan. Iniistorbo mo ako.. *tuloy sa pagpunas ng salamin sa likuran ni Ohkura*

Ohkura: *Di na lang niya pinansin at tiningnan ang manikurista* Sabihin mong Oo..

Manikurista: Bakit? Ano yun?

Ohkura : Basta… sasabihin mo lang naman eh Oo…

Manikurista: O-- o?

Ohkura: Talaga? O sige… simula ngayon, SYOTA na kita huh. *smile*

Janitor: ANO?! *SIGAW* Ang tindi mo rin no? Dinaig mo si Flash sa bilis ah?

Ohkura: May reklamo ka? *glare*

Janitor: Oo… Dapat bilang isang tunay na lalake ay sinusuyo muna ang kanyang minamahal at handing maghintay at magtiis ng ilang taon makamtan ang matamis niyang OO!!!

Ohkura: Kaya pala mukhang matanda ka na ngayon pero wala ka pa ring SHOTA… Nasa diskarte lang yan tol!

Manikurista: Ahayyy… *blush* Talaga? *titig kay Ohkura*

Janitor: Nako masama to! Kailangang umaksyon agad!

Manikurista: Pe-pero isa kang model! At ako’y isang manikurista lamang~ *tago mukha* Hindi ko toh deserve~! Hindi ako maganda…

Ohkura: *Hinawakan ang kamay nung manikurista* WAG MONG SABIHIN YAN! Akala mo lang hindi ka maganda, pero oo… oo… O…

Janitor: *kinuha ang mop at inamba yung basahan sa mukha nung model* PAG DI MO SIYA TINIGILAN LALAMPASUHIN KO YANG MUKHA MO!!! MASYADO MONG BINOBOLA ANG MANIKURISTA NAMIN!!!

Manikurista: Ibaba mo yan, Babu! *at sumunod si janitor* Ang totoo niyan ay… GUSTO KO RIN SIYA! Matagal na matagal na! Oo! Oo! Oo! J

At nagyakapan si Ohkura at ang kanyang bagong girl—boyfriend na manikurista.

Ohkura: *ngiting nakakaloko*

Janitor: *HURT* MAGRERESIGN NA AKO!!!! *DABOG* *WALK-OUT*

Yan ang napapala ng mga pakialamero. Walangyang yun, ilang beses na din ako nangungudngod sa basahan dahil sa kanya. Yan! Yan ang napapala niya…

- END FLASHBACK -

Ohkura: Oo nga noh… Yung pangalawang clown at yung janitor na yon ay iisa! Kaya pala kahit na may pintura siya sa pagmumukha at di ko nakilala ay mainit na agad yung dugo ko sa kanya…

Pumasok sa dressing room at namili na ng brief.

Ohkura: Ang cute naman design ng brief na ito… Kulay green… tapos may kulay green din na bilog sa may bandang pwet. Pero gusto ko t-back eh.

Kinuha yung blue t-back na may heart design at sinuot niya. Di pa niya naitataas yung brief sa pata niya nang…

… biglang siyang may narinig, at umilaw yung green na nasa pwet na bahagi nung brief.

- End ng Ikaanim na Kabanata-


Magcomment ka at mamahalin ka ni SUBARU. :P

Tags: eito rangers, fanfiction
  • Post a new comment

    Error

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 40 comments