the notorious m.i.a (nekoism) wrote in alabangbois,
the notorious m.i.a
nekoism
alabangbois

  • Music:

Eito Rangers: K-5

PAMAGAT: Eito Rangers
KABANATA:
Lima
GENRE:
Comedy. Crack
RATING:
PG-13
PAIRING:
YUNG FAVORITE KO! XD
NOTES: Yahoo natagalan ulit. Gomen gomen. Eto na ang panglimang character, ang pinakaKIKAY sa Kanjani 8. Yes, let me see you nod your heads now! XD Comments prease. <333




IKALIMANG KABANATA: Ang Nail Artist

Ako po si Shota Yasuda. Yassan for short.

Hindi po. Hindi NASAN ha… YASSAN. Repeat after me: YAS-SAN. Got that?!

Isa akong frustrated na artist. Dati akong kumukuha ng kursong BS Fine Arts sa isang kilalang unibersidad dito sa may Manila. Sa kasamaang palad, nagdrop out ako sa kursong iyon. Wag kayong mag-iisip ng iba. Matataas ang grades ko huh. It’s because I love arts! Pati mga kapatid kong babae, mahihilig din sa arts. Marami kaming binibiling magagandang bagay para sa amin at sa aming magandang tahanan. Hindi na ako nakapag-enroll pa nung third year na ako dahil kinapos kami ng pera. Bukod doon, kasali din ako sa theater ARTS club ng aming university. Pinakamemorable kong experience ay nung nag-host ako ng isang event sa school kasama ang aking senior na graduating na nung time na yun.


Yassan: Magandang umaga sa inyong lahat! Ako po ang inyong host sa araw na ito! At makakasama ko ang isang pang member ng org ko!

Audience: * Sipol! Clap! Yey! Yahoo! Mabuhay ang Plipinas!*

Kuyang naka-face paint ang mukha: *pasok, kaway kaway*

Yassan: Kuya! Bakit may face paint ang mukha mo?

Kuyang naka-face paint ang mukha: Well, gusto ko lang bigyan ng ideya ang ating mga manonood ng ating production para mamayang gabi.

Yassan: Tungkol saan ba ang palabas natin kuya?

Kuyang naka-face paint ang mukha: May pagka-super hero ang dating ng ating bida dun. (Na gagampanan ko, syempre.) Isa syang makapangyarihang tao na kayang magpatawa sa pamamagitan ng kanyang pagmumukha!

Naglabas siya ng pamaypay. Idinaan niya ito pababa sa kanyang mukha at naging parang “oni” or Japanese evil mask ang pagmumukha nya. Mayamaya ay idinaan niya naman ito pataas at bumalik sa dating hugis ang kanyang mukha*

Yassan: Wow ang galing naman non!

Tao: *Tawa-tawa, Ang galing! Incredible! Sugoi! Astig! Mabuhay ang Pilipinas!*

Yassan: Nakoh, panonoorin ko yan mamaya! At ngayon, tumuloy na tayo sa unang magpeperform ngayong araw na ito!


Hay… sana ganon pa rin ang ginagawa ko ngayon. Nalungkot ako nung kailangan ko nang mag-quit, kasi nga mamimiss ko ang lahat. Pero di naman ako nakakalimot…


Nung graduation na ng kanyang senior…

Lalaking naka-face paint: Hey Yassan! Di na kita nakita sa campus simula second sem ah. Anong nangyari sayo?

Yassan: Eh kasi, naubusan kami ng pera. Di na ako nakaenroll ulit.

Lalaking naka-face paint: TALAGA? Naku naman… problema talaga ang pera, no? Sayang naman… di na kita nakasama nung Christmas performance, pati nung Valentine’s gag show. Sure akong bebenta tayo non. E ano nang balak mo ngayon?

Yassan: Hindi ko rin alam e. Pero alam mo, namimiss ko na yon.

Lalaking naka-face paint: *akbay* Hayaan mo, tutuparin ko ang pangarap nating dalawa! Magiging magaling akong performer para sayo. Papasayahin ko ang mga tao.

Yassan: Good luck. At siguro pag nagkita ulit tayo, magiging make-up artist mo na ako.


Naalala ko na naman siya. Kamusta na kaya yung lalaking yon?Saan na kaya siya nagtatrabaho?Well, buti na lang at may tita ako na may-ari ng isang parlor. Namasukan ako bilang manikurista noong una. At dahil sa ST ko… baka iba na naman ang iniisip niyo ha. ST as in Sipag at Tiyaga. Pinaubaya na sa akin ang kanyang parlor.


Yassan: Tita, dapat po ay maging modern na itong parlor niyo para mas marami tayong maging customers.

Tita: Hmmm, gusto ko yan. Ano naman ang masusuggest mo?

Yassan: Sikat po ngayon sa ibang bansa ang nail ART. Try po din natin dito kung mag cli-click!


At ayun nga, nag-click ang aking ideya kaya naman, ako na ang manager ng parlor na ito. Dahil sa aking kaibigan na laging bumibisita sa akin, hindi ko masyadong namimiss ang aking eskwelahan.


Crossdresser: Hay nakoz sister! Nag iba na ako ng course!

Yassan: Bakit naman? Ang ganda nga ng course natin eh… Fine ARTS. Ano naman ang ipinalit mo?

Crossdresser: BS Information Technology…

Yassan:
I.T? Eh wala ka namang alam sa computer bukod sa pag-email, pag-chat at paglalaro ng Counter Strike at Ragnarok ah?

Crossdresser: Take note, ang latest ngayon ay yung Flyff. Ang cu-cute ng mga characters!

Yassan:
*sweatdrops* Ano naman ang naisipan mo at kinuha mo yung course na yan.

Crossdresser: Remember yung lalaking may weird na ngiti noong foundation day?

Yassan: Yung na naka kulay yellow shirt na panay ang ngiti sa iyo?

Crossdresser: Yah! That’s him! I.T sya eh…

Yassan: At pinagpalit mo ang ARTS sa dugyot na iyon? *hurt*

Crossdresser: Sis, nalove at first sight ako sa kanya eh… He’s the ONE!

Yassan: Wala na akong magagawa… Suportahan na lang kita.

Crossdresser: Thank you sis! I love you talaga *beso beso*

Janitor: Excuse me po. Pupunasan ko lang yung salamin.

Crossdresser: *tayo para makadaan ang janitor*

Janitor: Salamat po.

Crossdresser: Kaw ang pumili nun?

Yassan: Pagdating ko, nandito na siya nagtatrabaho eh.

Crossdresser: Ahhh, wala kasing ka-art art sa katawan eh.

Yassan: Pero mabait sya. Sya ang ka chokaran ko kapag wala akong customer dito.

Crossdresser: Lam mo sis, minsan nga, lumabas tayo… Sinasama ako ng mga sizterettes ko sa may Adriatico eh.

Yassan: Ikaw huh, pinagpapalit mo na ako.

Crossdresser: Hindi Ah! You’re my only one sister… mga sizterettes ko lang sila.

Yassan: Sige, baka sa Friday may time ako.


Ayon, nagparty kami kasama ng mga sizterettes nya. Ayoko nang i-relate pa kung ano ang kahindik-hindik na nangyari ng gabing iyon. Dumeretso nalang tayo sa magandang part ng buhay ko…at wala na yung iba kung hindi noong makilala ko ang aking boyfriend ngayon. *hearts*


Yassan: OH MAY GULAY ANG GWAFOH NIYA!

Sinundan niya ng tingin yung lalaking pumasok sa parlor, umupo sa isang sulok at nagbasa ng magazine.

Janitor: Ang akala ko ba mahilig ka sa ARTS? Eh wala naming kalatoy-latoy yung lalaking yun.

Yassan: ISA DAW SIYANG SIKAT NA MODEL!!!! *imagines*

Janitor: Kung sikat yung model na iyon, dapat nakahilera ang pagmumukha niya sa mga billboards sa Makati.

Yassan: Si manong naman, bakit mo ako kinokontra?

Janitor: Huh? Ah, Eh… Wala naman kasi siyang itsura eh… Mas matangkad lang siya sa akin. At model siya, janitor ako. Yun lang yun, sa appeal parehas lang kami.


Yan si manong janitor namin. Subaru raw ang apelyido niya, e nakakatuwang pakinggan kaya ang nickname ko sa kanya ay Babu. Parang baby, ano? Pero wag kayo… di siya mukhang baby e. Kaya nga manong tawag ko sa kanya eh, hehe…


Yassan
: Hahahaha… Hindi ka ba naniniwala sa kasabihang.. “opposites attract?”

Janitor: May ganon ba? Di ko yata napag-aralan yun nung elementary ako.

Yassan: Si manong talaga patawa… * tingin sa langit, daydream*


Mabait yung janitor namin… pero napapansin ko talaga na nagbabago ang mood niya parati pag nandiyan na ang boyfriend ko. Lagi niyang inaaway, kinokontra, meron pa ngang time na sinabon niya yung mukha eh. Pero siyempre kakampihan ko ang customer kasi nga nagbabayad sila samin. At saka, gwapo siya. Ahay~! J


Model: Hindi nga, seryoso ako kanina. Kailangang patalsikin mo na yang janitor mo. Ganyan din ba siya sa iba niyong customer? Malulugi kayo pag ganyan niya lagi winewelcome yung mga customer niyo. At saka, lagi niya akong dinudumihan. Naiinis na rin ako.

Yassan: Ah ganun ba? Err… okay.


Of course, ako naman, sinunod ko siya kasi gusto niya eh. Kumbaga sa lalaki, kelangan ko ng pogi points para sa model na iyon.


Yassan: Pasensya na manong huh. The customer is always right eh.

Janitor: Yan ba talaga ang dahilan o sadyang ayaw mo na sa akin? *hikbi* Anyway, ingat ka sa lalaking yan huh. Tingnan mo ang ngiti niya… parang manyak na may binabalak. *turo sa model*

Yassan: *tingin sa likod* … ANG CUTE NG SMILE NYA!!!!

Janitor: Eh? Anong cute dun?

Yassan: Uy, salamat talaga sa pinagsamahan natin huh. Di kita makakalimutan. Ito na yung sweldo mo sa buwan na ito kahit di mo natapos.

Janitor: *mangiyak ngiyak* Salamat din… Ingat ka huh.


Isa siyang mapagkakatiwalaang friend. Masuwerte ako sa mga nagiging kaibigan ko… Kahit mga medyo weird, tapat naman. Sa ngayon, masaya ako sa piling ng boyfriend kong model.


Model: Gusto ko, kulay green at blue naman ang gagamitin mong kulay ngayon. Ikaw na ang bahala sa magandang design.

Yassan: Ok… Ayaw mo na nitong ginawa ko kahapon? Ganda pa naman ng blending ng pink at yellow ko.

Model: Di naman sa ayaw ko na… Alam mo naman… MODEL ako kaya dapat ay may bago sa akin araw-araw. Ayaw mo nun, parang minomodelo ko na rin ang mga nail ARTS mo.

Yassan: Oo nga no? Sige. Mula ngayon ako na ang official na artist mo.


Masarap din naman ang buhay ko bilang artist niya. Home service. Siya na kasi ang pumupunta sa shop ko. Para di na daw ako gumastos ng pamasahe tutal may sasakyan naman siya. Kaya naman bawat umaga lagi ko siyang inaabangan pumarada ang kotse niya sa tapat namin. Ang ganda nga ng kotse niya eh. Yung bagong edition ng Honda, yung maliit na parang kotseng kuba. Pina-paint job pa niya ng kulay blue kasi nga alam niyang favorite color ko yon.


Model: Hon, mukhang tumataba na ako. Medyo masikip na yung mga damit na minomodel ko. Ang sarap mo kasing magluto eh.

Yassan: Don’t worry. Isa yatang artist tong kasintahan mo… Akong bahala dyan. Magmumukha kang may six packs. Kukunin ko lang ang foundation ko sa manicure box ko. *tayo at punta sa may kwarto*

Model: Bilisan mo ah… Baka ma-late ako. Makakaaway ko na naman yung MMDA na yun. Sisirain na naman niya ang araw ko sa panenermon.

Yassan: Sure!

Hinanap niya ang kanyang tightly-sealed na manicure box. May nakitang kulay blue na bilog sa loob nito.

Yassan: Ano ito? Wala akong maalalang binili na ganitong kulay ng foundation.

At tumunog ang bagay na iyon na nag pabago ng aking kapalaran…

- End ng Ikalimang Kabanata -




Comments please! :D
Tags: eito rangers, fanfiction
  • Post a new comment

    Error

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 26 comments