the notorious m.i.a (nekoism) wrote in alabangbois,
the notorious m.i.a
nekoism
alabangbois

Eito Rangers: K-4

PAMAGAT: EITO RANGERS
KABANATA: Ikaapat!
GENRE: CRACK... AT FANTASY? XD
RATING: PG-13 naman to kasi... err, puro kalokohan ang nagaganap~
NOTES:
Sorry sa mga pinaghintay ng medyo matagal~ nagkaroon ng busy-busyhan phase in my university life hence there's a delay in the posting of this story. Pero wag mabahala! Nandito na ang chapter four! Malalaman na ang katauhan ng lalaking pinaka-flexible ang mukha sa Eito, SI MARUYAMA! :D Enjoy na lang kayo... that is, kung may "kayo" pang nagbabasa. PARAMDAM NAMAN DIYAN! :(



IKAAPAT NA KABANATA: Ang Payaso


Test mic? I-2-1-2. Test mic? 1-2. Yo, check this out! *nagsayaw pero nadapa*

Ano, natawa kayo?

Hindi?

Ako nga pala si Maruyama the Great. Hindi ako emperor kahit gustuhin ko man. Isa akong payaso, yon ang aking screen name ala-celebrity. Clown. Lam niyo na, yung mga taong naka-make up na naghohost… hindi hosto ah… ng mga children’s party. At eto ang story of my living… pwedeng gawing episode ng Maalaala mo Kaya.

Ang totoong pangalan ko ay Ryuhei Maruyama. Tawag nila sa kin ay Maru, para mas casual. Di ko kasi type ang Ryuhei. Medyo nakakabulol. College graduate ako, kilala sa Manila ang aking university. Estudyante pa lang ako, mahilig na akong magpatawa. Madalas akong maghost ng mga shows sa orgs noon. Ang specialty ko ay magbuo ng iba-ibang expressions gamit ang aking mukha. Sabi nila flexible ang mukha ko, at tinatawag nila akong “human emoticon”.

Maru: *pinadaan ang pamaypay sa mukha niya pataas* Ayun po ang tinatawag kong “oni mask”! Natuwa po ba kayong lahat doon? Palakpak naman diyan!

Tao: *Tawa-tawa, Ang galing! Incredible! Sugoi! Astig! Mabuhay ang Pilipinas!*

Junior: Nakoh, panonoorin ko yan mamaya! At ngayon, tumuloy na tayo sa unang magpeperform ngayong araw na ito!

Yun yung nakapartner kong junior noon. Fine Arts naman ang course niya, nagkataon na parehas kami ng org na nasalihan kaya yon, na-assign kaming magpatawa sa isang program. Maganda ang chemistry namin, maraming naaliw. Pero di ko na siya ulit nakita pa kasi…

Undergraduate: … naubusan kami ng pera. Di na ako nakaenroll ulit.

Maru: TALAGA? Naku naman… problema talaga ang pera, no? Sayang naman… di na kita nakasama nung Christmas performance, pati nung Valentine’s gag show. Sure akong bebenta tayo non…

Matapos kong gumraduate, hindi ko muna naisip mag-apply sa actual theatre. Nag-isip ako ng sariling gimik para kumita nang ako lang.

Maru: *naglalakad sa loob ng mall* Nako, dalawang buwan na ang nakakalipas wala pa rin akong matinong trabaho. Ano ba naman kasi ang kahihinatnan ng isang Theatre Arts grad na katulad ko na wala namang maglalakad sa kin sa popular theatre shows… SHIT! ANG SAKIT NG TIYAN KO! *krok krok krok* *takbo sa malapit na CR at hindi maipinta ang kanyang mukha* Naparami ang kain ko…

May nakasalubong siyang bata. Tuningala ito at…

Bata: AHAHAHAHAHA! MAMA! NAKAKATAWA NAMAN ANG MUKHA MO!!!

Noon moment na yon, para akong tinuktukan nang malakas. Naranasan ko ang tinatawag nilang “enlightenation”. Nadiskubre ko na ako pala ay nabubuhay para makitang masaya ang mga tao, lalo na ang mga bata. Nabubuhay ako para sa kanilang mga ngiti. Naging maliwanag na sa akin ang lahat…

Maru: MAGIGING CLOWN AKO!!!! MUWAHAHAHA! *taas ng dalawang braso*

Bata: MOMEEEEE!!! *takbo sa nanay niya, na noon din ay umalis sa harap ni Maru*

*PROOT… inabutan na siya sa kanyang salawal. *sweat*

Sa panahong yon, nadiskubre ko na ang silbi ko sa buhay. Gamit ang aking STD – Sipag, Tiyaga at Determinasyon - natuto ako kung paano magmake-up ng sarili, mangolekta ng mga nanay na may mga magbibirthday na anak, at bumuo ng mga bagong punchline. Ito ay ginawa ko dahil pag maraming exposure, malay mo may talent scout pang makakita at ma-hire pa ako as stand-up comedian – na pinakadream ko. Ahehe.

Kid: Kuya clown, bakit hindi ka nakangiti.

Maru: Aah, gusto mo akong pangitiin? *pinadaan sa mukha niya ang pamaypay at ginawa ulit ang panalo niyang “oni mask”* YAN NAKANGITI NA AKO!

Kids: EEEYAAAAAH! MOMEE! MOMEE! TAKUT AKUU! *takbuhan*

Maru: Teka mga bata! May magic show pa! *lumapit sa isang bata* Ikaw, gusto mong makipaglaro kay Maruyama the Great? *ngiti*

Kid: AYAW!!! *takbo* AYAW KO SAYO!

Maru: *hinabol yung bata sa garden hanggang…*

- PLAK! -

Mommy: Ano ka ba? Pati birthday celebrant tinatakot mo! Sinira mo tuloy ang party ng anak ko. Kaltasan kita ng sweldo diyan eh!

Maru: *hawak ulo* Sorry, ma’am. *layo*

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon laging nananalo si Maruyam a the Great. Pero hindi ako sumuko, dahil sabi ko nga, “I lived to saw there smiles.” Nag-aral ako, at nag-observe sa ibang clowns, at sabi ko, “Oo nga no! Wala akong magic show!” Kaya nangolekta ako ng mga CD nina David Blaine at Houdini tapos inaral ko ang tricks nila.

Maru: Mga kids! Handa na ba kayo sa next trick ni Kuya Maru?

Kids: HINDEEEE! *bato ng cake*

Maru: *ilag* Mabuti naman kung ganon kasi ngayon, magugulat kayo. Kakain ako ng manok.

Kids: *natahimik* HUH?! Anong magic don?

Maru: Teka hindi pa ako tapos. Kakain ako ng manok – na BUHAY!

*at nilabas ang tandang*

Kids: WAAAA!

Maru: Masyadong morbid yon ah…sige iibahin ko! *uminom ng gasoline at kumuha ng kahoy. Bumuga ng apoy*

Kids: WOOOOW! ANG GALING! MABUHAY ANG PILIPINAS!

Tinuloy niya ang pagbuga kaso… nakalunok siya ng gasolina.

Maru: Panoorin niyo naman si Maruyama the Great mag-juggle ng… *kinuha ang limang kutsilyo at initcha sa hangin*

Kids: *lunok. Natatakot na.*

Ayos naman ang pagjuggle niya kaso…

Maru: SHIT ANG TIYAN KO! YUNG NALUNOK KONG GASOLINA! *nabitawan lahat ng kutsilyo. Malas naman at yung isa tumusok pa sa paa niya.* ARAAAAAY!!! *nawalan ng malay sa sobrang sakit*

Ang hindi ko alam, malaki pala ang epekto sakin ng mga ginawa ko. Nadiskubre ng mga doctor na yung mga kinain kong hilaw na manok ay may avian flu pala, tapos yung gasolina at acido e nakabutas sa tiyan ko, at syempre, yung paa ko laging natatamaan ng mga kutsilyo kakapractice. Not one, not three, but seventy-times seventy times.

Maru: *sigaw* HINDI AKO MASOKISTA! Trabaho lang, walang personalan! *sarado pinto, lakad* Hay nako, paano na ito? Lahat ng suki ko next year pa magbibirthday [malamang…] Wala na akong party na pwedeng i-host.

Crossdresser: Manong, clown ka di ba?

Maru: P-pano mo nalaman?

Crossdresser: Eh… may make-up ka pa e.

Maru: *sweat*

Pumunta sila sa malapit na restaurant para makapaghugas siya ng mukha.

Maru: *naghuhugas ng mukha* So, bakit ka naman naghahanap ng clown?

Crossdresser: Kasi birthday ng pinsan ko three days from now. Wala pa akong nakukuhang clown na maghohost sa party niya. Okay lang ba sayo kung ikaw na?

Maru: *nagbabanlaw ng mukha* Okay naman yon.! Kasi pareparehas din naman ang ginagawa ko sa bawat party na hinohost ko.

Crossdresser: Ay talaga? Good news yan.

Maru: *nagpupunas at humarap na sa crossdresser* Oo promise. “I will delivery the right party.” (yun ang motto ng business niya)

Crossdresser: *titig*

Maru: ?!

Crossdresser: A-ang gwapo mo pala manong! J

Eek. Pasensya na, hindi ako napatol sa mga CHARING. Siguro nga distini ang nangyari dahil nameet ko ang importanteng tao sa buhay ko sa party na yon . Hindi jowa ah, bestfriend ko. Siya ang taong nagbigay- este, nabigyan ko ng pag-asa.

Maru: Sa next trick ko, kailangan ko ng volunteer.

Wala nang nagvolunteer kasi as always, palpak na naman siya.

Maru: Err… panigurado namang meron, diba? *nakakita ng tao sa halamanan. TAKBO*

Kuya kuya, patulong naman.

Janitor: A-ako?

Maru: May magic trick akong gagawin. Kailangan ko ng volunteer bukod sa audience.

Janitor: E naglilinis pa…

Maru: May commission ka sakin.

Janitor: *mukhang pera* Teka teka, ano bang gagawin ko?!

Maru: Basta sundan mo ako. *lakad* Eto ang sidekick ko ngayon, si… si BADONG!

Janitor: Hindi yun ang real name ko. *glare*

Maru: *glare, bulong* Quiet ka na lang! *sinimulan nang itali si Janitor*

Janitor: Te-te-teka! B-bakit mo ako tinatali?!

Maru: Wag kang malikot para maasinta kita nang maayos ha?

Janitor: …asinta?! O_O

Maru: *layo* Ang aking matapang na sidekick ay haharapin si Maruyama the Great. Kids, DO NOT TRIAL THIS AT HOME! *nilabas ang… tatlong kutsilyo*

Janitor: WA-AAAH! *namutla* AT SINONG NAGSABING MATAPANG AKO?! DUWAG AKO! DUWAG! PAKAWALAN MO AKO! MAHAL KO PA ANG BUHAY KO NO!

Maru: Eto na ang unang kutsilyo! *binato. Tumama sa tabi ng pata ng janitor*

Janitor: DAHAN-DAHAN NAMAN!

Maru: Succession! Eto ang pangalawa! *nanginginig na rin, kinakabahan. Tumama sa gitna ng dalawang singit*

Janitor: *halos maihi na sa salawal*

Maru: ETO ANG ULTIMATE CHALLENGE! *pinaikot ang roleta*

Janitor: TAMA NA POOOO! *nahihilo na*

Maru: *binato ang pangatlo. Tumama sa gilid ng ulo ng janitor. Ok na sana kaso…

Audience: *GASP*

Natanggal yung roleta sa base nito. Gumulong na parang wheel ang roleta (siyempre kasama yung kawawang janitor) Pababa ng slope, palabas ng gate. Di pa nakuntento at tumawid pa yon sa pedestrian.

MMDA: STOP NA MGA KAPATID! ^_^ *dumaan yung roleta* T-teka, kilala ko yun a! Yun yung janitor na lagi kong nakakaaway! Obstruction of public highways yan, may dahilan na ako para tiketan siya! *takbo*

Janitor: WAAAAAH TULONG NAMAN DIYAN! AYAW KO PANG MAMATAY! *umaandar na siya along the highway, kasabay ang mga rumaragasang jeep*

Maru: Manong janitor, ililigtas kita!

MMDA: Arestado ka! *hawak ang posas*

Tumama ang roleta sa patawid na kariton, tumalon pa ito nang mataas bago mabangga sa isang poste, at mahulog face front sa aspalto. Napisa ang kawawang janitor.

Janitor: *nawalan ng malay*

Maru: Kuya! Kuya! Mabuhay ka! Magsalita ka! Wala akong perang pamburol sayo!

MMDA: *naawa* Tawag tayo ng ambulance…. *tunog ng ambulansya*

Janitor: N-nasan na ako?

Maru: Dito sa ospital, kuya.

Janitor: Anong nangyari? Bakit naka-cast na ang paa ko?

Maru: Naaksidente kayo dahil sakin. Apat na araw ka nang natutulog…

Janitor: ANO?! *bangon, kaso naumpog sa bakal. Knockout ulit*

Maru: Sabi nga pala ng amo mo, sisante ka na. Tapos yung perang sweldo mo…

Janitor: Nasan na ang pera ko?

Maru: Ano… pinambayad ko na dito… ubos na.

Janitor: ANO?! E… yung komisyon ko sayo?

Maru: Binayad ko na din… ubos na din. Di naman yon kalakihan…

Janitor: IKAAAAAW! *usok ilong, laki mata, sinakal si Maru*

At ganon ko nga na-meet ang aking soulmate… este, best friend. Bilang kabayaran kasi nga wala na siyang trabaho, pinag-sidekick ko siya sa mga paghohost ko ng party. Pinatira ko na rin siya sa apartment ko. Yun na kasi ang pinakamagandang magagawa ko. Pero hindi ako nagsisi, kasi nung nakita ko siya, kumulay ang buhay ko. Nandiyan na yung magkamali kami ng party na napuntahan.

Maru: Wow ang ganda naman ng hotel na ito. Ang bagal naman niya, dapat sabay kaming lalabas sa kahon na to e, pero… anyway. *doorbell sabay tago*

Naramdaman niyang binuhat na siya sa destination niya. Planned na yon, iisa lang naman ang children’s party sa buong hotel e. Naghanap siya ng timing at…

Maru: HAPPY BIRTH---?

Lalaki1: Anong kalokohan to? Saan ka nakakita ng STAG PARTY na CLOWN ang entertainer?!

Lalaki2: E… malay mo, pakulo rin yan? Malay mo babae rin ang clown?

Lalaki3: LET’S START KUNG GANON! *niyakap si Maru. Nagsunuran yung iba.*

Maru: *tinampal ang mga kamay* EHHH bakit niyo ako minamanyak!?

Lalaki2: Tol hindi to babae! Walang boobs!

Maru: Oo naman, lalaki ako! *labas ng kahon at nagsimulang magjuggle ng kutsilyo. Nasaktan na naman niya ang sarili niya. Nagkalat ang dugo* WAHHH ARAY!!

Lalaki4: Hindi lang siya clown, masokista pa…

Lalaki3: *interested* Pero okay lang boss! Nakakaaliw ang pagiging masokista niya.

Maru :Nako! Kailangan kong galingan baka bigyan ako ng tip. Mukha pa naman silang bigtime! *bumuga ng apoy* Kahit di sila mukhang mga seven year-old.

Apat na Lalaki: WOW! ANG GALING! ASTIG! MABUHAY ANG PILIPINAS!

Maru: HAPPY SEVENTH BIRTHDAY NGA PALA KAY JOSHUA…

Lalaki4: Ano? Joshua? Seventh birthday?!

Maru: Oo! Nasaan ang birthday celebrant?

Bumukas ang pinto…

Janitor na sidekick na ng clown: MARUYAMA! MALI ANG PARTY NA NAPUNTAHAN MO!

Lalaki1: Oo, mali nga. KALOKOHAN ITO!

Janitor: *luhod* Sorry po talaga… *tingin kay Lalaki3* Teka, bakit parang familiar yun? Parang nakita ko na siya dun sa parlor na pinagtrabahuhan ko dati…

Lalaki3: E nasan na si Luningning?

ALL: LUNINGNING? KILALA MO SIYA?!

Lalaki3: Oo, yung dapat nagsasayaw dito ngayon…

Janitor: Ah… yun po ba?

Lumabas silang lahat at sumilip sa kabilang kwarto. May nakita silang babaeng nakabra at panty lang na puno ng icing ang katawan na hiyang-hiyang nagso-sorry sa audience niya… mga nanay at mga seven-year old na bata.

Maru at Janitor: *Nagkatinginan. Sweatdrop*

Yun. Ang saya ng buhay ko no? Siyempre kasi clown nga ako. Hehe. Natutupad ko naman ang goal ko, ang ma-saw ang mga ngiti ng bata. Yun lang! XD

Kids: Happy birthday, happy birthday~ happy birthday to…

Pasaway na birthday celebrant: *sinubsob ang mukha ni Maru sa cake*

Kids: AHAHAHAHAHA!!!

Maru: *inangat yung mukha sa cake. May kagat siyang orange na kulay bilog. Bigla itong tumunog…. At natigilan ang lahat…*


- End ng Ikaapat na Kabanata -



A/N: HAYAN! Nakabawi na kami kahit papaano. Kahit papano may idea na kayo kung sino-sino yung kalahati sa mga Eighters. Nagustuhan niyo ba? Comment!

And BTW, sa blog ni Cogi, merong English version ng fic na ito in the point of view of SOMEONE FROM MORNING MUSUME. OH YES PEOPLE, MAY INVOLVEMENT ANG MORNING MUSUME SA FIC NA ITO. Kung gusto niyong basahin, nandon lang siya sa link. :D *cackles*
Tags: eito rangers, fanfiction
  • Post a new comment

    Error

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 15 comments