the notorious m.i.a (nekoism) wrote in alabangbois,
the notorious m.i.a
nekoism
alabangbois

  • Music:

Eito Rangers: K-3


PAMAGAT: EITO RANGERS
KABANATA:
Ikatlo
GENRE:
CRACK... AT FANTASY? XD
RATING:
PG-13 naman to kasi walang kalaswaang nangyari.
NOTES:
Thanks ulit sa mga taong patuloy pa ring nagbabasa. Sorry kasi medyo na-late ang next installment. Busy po ang mga writers kasi sila'y mga estudyante pa rin hehehe. Ang chapter namang ito ay extra special dahil special ang "bida" natin... sino? Basahin niyo na lang! :) Aabangan ko ang mga comments para may inspiration naman kaming ituloy ito. <3


IKATLONG KABANATA: Ang Janitor


Mic test?

*tinapik ang mic*

Yan…

Good afternoon po. Ako po si Shibutani Subaru. Isang masipag at mabuting mamamayan ng bayan ng Pilipinas. Bakit ko nasabing mabuti? Dahil kahit mahirap lang ako ay matino naman ang trabaho ko. Hindi ako tulad ng iba dyan na kung ano-anong kabalbalan ang ginagawa para lang magkapera at makaipon ng pera…

Subaru: Ma, para!

Driver: *hininto ang jeep*

Subaru: *baba, takbo*

Driver: Teka… HOY BUMALIK KA!!! DI KA PA NAGBABAYAD!

Ahem, anyways. Sinasakatauhan ko po ang mga pangkaraniwang nilalang na minsan ay isang kahig, isang tuka lamang. Isa po ako sa mga taong naging biktima ng pang-aabuso ng kanyang mga kababayan, at ang pinakamasamang halimbawa nito ay ang GULANGAN.

Ako ay isang janitor, isang trabahong tinatapak-tapakan na lang sa ngayon. Pero hindi! Dapat pahalagahan niyo ito dahil kung walang janitor, hindi magiging malinis ang kapaligiran! Pasalamat kayo at may nagtyatyaga pang maglinis ng mga inidoro ninyo. Kung sa working experience mo titingnan, madami na akong pinagdaanan. Nandiyan yung nagtrabaho ako sa isang walang kwentang restaurant na pagkatapos kong gawin ang lahat, di man lang nila ako binayaran ng sweldo!

Subaru: Tapos na po akong maglinis.

Amo: Ang sipag mo talaga! Sige, bumalik ka bukas ng umaga. Agahan mo huh, kasi wala akong katulong sa loob ng isang linggo.

Dakilang alalay ng amo: Oo nga, magbabakasyon ako ng 1 week. Kaw muna bahala sa iniwan kong gawain.

Amo: Suswelduhan na lang kita bukod sa paglilinis mo ng restaurant.

Subaru: Maraming salamat po! Ang laking tulong non! *maluha-luha*

Amo: Syempre, sino pa ba ang magtutulungan kundi kapwa Pilipino, hindi ba?

Subaru: Salamat… Salamat…


After one week…


Subaru:
Bosing, magandang umaga po. Saan ako unang maglilinis ngayon?

Amo: Hmmm, di mo na kailangang pag-isipan pa yan. Magpahinga ka na lang muna.

Subaru: Talaga ho? Kailan ako babalik?

Amo: Wag ka ng bumalik dahil simula sa araw na ito, SISANTE ka na.

Subaru: ANOH?!?! *teary eyes* Pano nangyari yun? Lagi naman akong naglilinis… Masipag naman ako. Wala pa akong absent. Bakit nyo ako sisisantehin?!

Amo: Pano ko ba masasabi ito… Ahhhm, kinakapos ako sa budget eh…Kaya kailangan kong magbawas ng manpower. Pasensya na talaga… Maghanap ka nalang ng ibang place na mapagtatrabahuhan.

Subaru: Pe-pe-pero, paano na ang mga alaga kong daga? Saan ako ngayon kukuha ng perang pangtutustos sa araw-araw kong pamumuhay?! Paano? PAANO?!

Amo: Maghanap ka nga ng ibang trabaho, di mo ba narinig?

Subaru: *layas na masama ang loob*

Kapwa Pilipino daw ang magtutulungan… TSK! Kausapin niya ang lelang niya! Di naman siya mukhang Pilipino… mukha siyang gahaman na Hapon!

Hay nako, wag na nga natin siyang pag usapan. Dahil kasi pagkatapos ko magtrabago don nakapagtrabaho din ako bilang private janitor sa isang mayamang pamilya…tapos don ko nakita ang aking bestfriend na payaso. Kumbaga, yung pagtatrabaho ko sa restaurant na yon e tinatawag na blessing in disguise kasi kung di nangyari yun, malamang di ko siya makikita. Ang tanong: Blessing in disguise nga ba? Mukhang trahedya nga yung nangyari eh. Ayaw ko na muna alalahanin kung pano kami nagkita ng best friend ko kasi parang naaalala ko ang pinakadepressing na moment ng buhay ko.

Nakapagtrabaho nga rin pala ako sa isang parlor… parlor ng mga kuko.

Manikurista: Manong~! Pakipunasan po yung tubig dito… Natapon ko yung pang-footspa.

Subaru: Papunta na ko diyan!

Naging maayos naman ang trabaho ko doon. Mabait yung manikurista. Type ko siya. Este… Naging magkaibigan kami. Siya ang lagi kong nakakausap sa shop. Di mo nga lang siya makakausap pag nandun yung bwisit na super yabang na model na iyon.

Model: Hoy taba. Lagyan mo nga ng arte itong kuko ko.

Manikurista: Ahmm, ano… Anong gusto mong design?

Model: Baboy na kulay light blue. Tapos lagyan mo ng buhok huh. Gusto ko medyo mala -F4 yung style ng hair tsaka kulay blonde.

Manikurista: Eh? Ang weird naman ng taste mo!

Subaru:
*kulo dugo sa model*

Model: Hoy ikaw! Anong tinitingin-tingin mo diyan? Magtrabaho ka nga! Ang alikabok ng lugar ko oh.

Manikurista: Sige na Babu, pakipunasan yung pwesto niya.

Subaru: *padabog na nagpunas ng paligid ng model*

Model: Nagdadabog ka ba?! HA?

Subaru: Di ba halata? Nagtatanong pa ito. Porke matangkad ka lang sa akin at lamang ng dalawang paligo…

Model: *tiningnan yung mukha ni Subaru* Hahaha… Ang panget naman nitong nakuha mong janitor. Dapat yung may mga itsura naman ang kinukuha mo para may mga pumapasok na customer dito sa shop mo.

Subaru: *hindi na nakapagpigil at pinunasan ng basahan ang face ng model* SORRY!!! DI KO NAPANSING MAY TAO PALA!!!

Manikurista: *GASP!* AYYYYY! Anong ginawa mo?! Pasensya na po… Sa haba ng hair nya di nya kayo nakita.

Model: SINASADYA NIYA ATA EH! DAPAT SINESESANTE ANG MGA GANYAN! MGA BASTOS!

Manikurista: Pe… pero… *tingin kay Subaru*

Model: *kinindatan ang manikurista* Pupunta tayo sa Japanese resto mamaya, tandaan mo.

Subaru: *hingang malalim*

Mabait naman sa akin ang manikurista… promise… Oo sige na! Inaamin ko, may gusto rin ako sa kanya kaya ganon na lang kainit ang ulo ko don sa model na ginagamit ang hangin niya sa pagpapapogi. Pahamak talaga siya! Ang pinakamasaklap na nangyari sa kin non na nakapagpasya sa aking mag-resign ay…

[Habang ginagawan ulit nung manikurista ng nail art yung model…]

Model: Sabihin mong oo.. *tingin sa manikurista*

Manikurista: Bakit? Ano yun?

Model: Basta… sasabihin mo lang naman eh Oo…

Manikurista: O-- o?

Model: Talaga? O sige… simula ngayon, SHOTA na kita huh. *smile*

Subaru: ANO?! *SIGAW* Ang tindi mo rin no? Dinaig mo si Flash sa bilis ah?

Model: May reklamo ka? *glare*

Manikurista: Ahayyy… *blush* Talaga?

Subaru: Nako masama to! Kailangang umaksyon agad!

Manikurista: Pe-pero isa kang model! At ako’y isang manikurista lamang~ *tago mukha* Hindi ko toh deserve~! Hindi ako maganda…

Model: *Hinawakan ang kamay nung manikurista* WAG MONG SABIHIN YAN! Akala mo lang hindi ka maganda, pero oo… oo… O…

Subaru: *kinuha ang mop at inamba yung basahan sa mukha nung model* PAG DI MO SIYA TINIGILAN LALAMPASUHIN KO YANG MUKHA MO!!! MASYADO MONG BINOBOLA ANG MANIKURISTA NAMIN!!!

Manikurista: Ibaba mo yan, Babu! *at sumunod si Subaru* Ang totoo niyan ay… GUSTO KO RIN SIYA! Matagal na matagal na! Oo! Oo! Oo! 

At nagyakapan ang model at manikurista.

Model: *ngiting nakakaloko*

Subaru: MAGRERESIGN NA AKO!!!! *DABOG* *WALK-OUT*

Model: Actually… matagal ka na ngang pinapaalis e. HEHEHE!


AHUHUHU. *drama* Sa ngayon, nagtatrabaho ako sa isang paaralan. At sa tuwing pumapasok ako, lagi kong nakakaaway si mamang MMDA.

MMDA: Ano ba! Bakit ang bagal mong tumawid?

Subaru: Ikaw kaya ang magbuhat nitong mabibigat na ito… Tingnan ko lang kung di rin bumagal ang paglalakad mo.

MMDA: Aba, aba… Sumasagot ka sa isang pulis? Dapat sa iyo ay hinuhuli!

Subaru: Di ka naman pulis ah. Isa ka lang traffic aide! Tsaka bakit mo ako huhulihin? Wala naman akong kotse!

MMDA: Oo nga no? *kamot ulo* E may karitela ka naman… ng basura!

Subaru: E kahit na! May lisensya ba to?! At isa pa, lagi kitang nakikita mula sa loob ng school.Di mo naman ginagawa ng maayos ang trabaho mo. Lagi ka lang sumasayaw. Minsan nga, ikaw pa ang nagdudulot ng traffic eh.

MMDA: Hindi totoo yan! $%($&%*$(*%$(!

Araw-araw ganyan ang simula ng umaga ko dito sa paaralan. Idagdag mo pa ang mga pasaway na estudyante na laging may kababalaghang ginagawa sa CR. Naiistorbo tuloy ang paglilinis ko.

Crossdresser: FAFAH KOH! Mahal na mahal kita! *kiss sa kasamang lalaki*

Lalaking may weird na ngiti: Oh, aking prinsesa… Mahal na mahal din kita! *kiss*

Subaru: AHEM!!! Nandito na naman kayong dalawa? Pwede ba gawin niyo na lang sa ibang lugar yan?

Crossdresser: Ito nga lang ang place na alam namin eh.

Subaru: Sa Adriatico, ang daming motel dun. Mura lang.

Lalaking may weird na ngiti: Ganon ba? Sige, salalmat sa advice. *labas kasama ang lalaking crossdresser*

Subaru: Hay ang mga kabataan ngayon. Kung sino-sinong pinapatulan! Tsk!

Pumasok siya sa isang cubicle para maglinis. May nakitang bilog na kulay pula na nakabara sa inidoro kaya hindi ito nagfa-flush nang mabuti. Kinamay niya… O_O

Subaru: Ano ito? Albatross? *inamoy* Bakit di naman mabango?!


At narinig niya ang tunog na magpapabago ng kanyang kapalaran…

- End ng Ikatlong Kabanata -



Abangan ang susunod na chapter kasi mahaba yon. Peace Out!

Tags: eito rangers, fanfiction
  • Post a new comment

    Error

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 18 comments