the notorious m.i.a (nekoism) wrote in alabangbois,
the notorious m.i.a
nekoism
alabangbois

  • Music:

Eito Rangers: K-1

PAMAGAT: EITO RANGERS
KABANATA:
Una
GENRE:
COMEDY. CRACK... pero magiging general genre din yan.
WARNING:
Not for the faint of heart. XD
RATING: PG-15. Kasi malaswa yung mangyayari dito eh. HAHAHA.
NOTES:
OMG BUHAY NA KAMEEEEEEEH! Dedicated ang chapter na ito sa mga fans ni Yoko at ni Yamapi, kaso nga lang kahiya-hiya ang mga estado nila dito eh LMAO. Sana ma-enjoy niyo ang first chapter gaya nang na-enjoy namin itong i-conceptualize at isulat! OMGGGG YEAHHHH! *hyper mode pa rin ako noh*


UNANG KABANATA: Ang Manggagatas

 

Ako ay si Kimitaka Yokoyama, pero mas kilala sa pangalang “Yu”… As in HEY YOU! I am Yokoyama YOU!

Ahahaha.

Isa akong entrepreneur. Ako ang manager ng isang restaurant dito sa may Adriatico, Malate, Manila. Ako din ang janitor, cashier, chef, ordertaker, basher, receptionist chuva ng restaurant ko… In other words, Jack of all trades. Kahit papaano ay may kasama naman ako dito.  Ang pangalan niya ay Tomohisa Yamashita, at siya ang aking “bartender.” Siya ang namamahala sa mga drinks ng restaurant ko. Mas madali nga lang ang trabaho niya dahil ang sineserve lang namin ay: Gatas at Beer. Pwede ring magrequest ng tubig kaso may bayad… Mahal ang tubig ngayon. Dahil sa kamahalan ng mga bayarin, napilitan akong tanggalin ang aking janitor at nakapag-isip ng iba pang paraan para magkaroon ng kita.


-FLASHBACK-


Yoko: Grabe ka naman! Isang linggong bakasyon lang ang hiningi mo, lumaki na nang ganyan ang katawan mo?

Kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga pinggan pero tinigil muna niya at sinamba panandalian ang mala-Adonis na katawan ng dating payatot na si Yamapi. May kasama pang paglalaway yan.

Yamapi: Well, ibang klaseng paggi-gym ang ginawa ko. Simula ng laitin ako ng bwisit na baklang yun. HAH! Tingnan lang natin kung malait pa nya ako sa katawan ko ngayon.

Janitor: *lakad* Tapos na po akong mag-mop ng sahig. Napunasan ko na din ang mga mesa.

Yoko: Very good! Sige, makakauwi ka na.

Janitor: Salamat po. *alis*

Yamapi: Oi, tulungan na kita sa pagliligpit ng restaurant mo. Ako na ang mag-aayos ng mga mesa at upuan. *labas ng kitchen*

Yoko: *tuloy sa paghuhugas ng pinggan*

Yamapi: WWWWWWWWAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!! *parang bakla kung tumili*

Yoko: *labas may dalang kutsilyo* Bakit? May magnanakaw ba? Nasan ka! Magpakita ka sa'kin! Di ako natatakot sayo!!!  *medyo nanginginig ang kamay na may hawak sa kutsilyo*

Yamapi: Anong nangyayari sakin? *hikbi hikbi*

Yoko: Bakit? Ano bang nangyari sayo? *ibinaba ang kutsilyo at lumapit kay Yamapi*

Yamapi: *humarap kay Yoko* MAY GATAS ANG DIBDIB KOH! *squeeze squeeze, at tumilapon ang gatas sa floor*


[Authors’ Note: Bahala na kayong mag-isip kung anong kababalaghan ang nangyari at nagkaroon siya ito… Yuck ang pangit pag nangyari to sa totoong buhay, ano?!]

 
Yoko: *natahimik panandalian* Mapagkikitaan yan. *evil na ngiti*

Yamapi: Mukha ka talagang pera, Yokoyama. *sweat*


Kinabukasan…

 
Janitor: Bosing, magandang umaga po. Saan ako unang maglilinis ngayon?

Yoko: Hmmm, di mo na kailangang pag-isipan pa yan. Magpahinga ka na lang muna.

Janitor: Talaga ho? Kailan ako babalik?

Yoko: Wag ka nang bumalik dahil simula sa araw na ito, SISANTE ka na.

Janitor: ANOH?!?! *teary eyes* Pano nangyari yun? Lagi naman akong naglilinis… Masipag naman ako. Wala pa akong absent. Bakit nyo ako sisisantehin?!

Yoko: Pano ko ba masasabi ito… Ahhhm, kinakapos ako sa budget eh…Kaya kailangan kong magbawas ng manpower. Pasensya na talaga… Maghanap ka nalang ng ibang place na mapagtatrabahuhan.

Janitor: Pe-pe-pero, paano na ang mga alaga kong daga? Saan ako ngayon kukuha ng perang pangtutustos sa araw-araw kong pamumuhay?! Paano? PAANO?!

Yoko: Maghanap ka nga ng ibang trabaho, di mo ba narinig?

Janitor: *layas na masama ang loob*

 
After five minutes, dumating si Yamapi.

 
Yamapi: Oi Yoko! Ito na yong pinapabili mong Cow Costume. Okay lang ba na gamitin mong pambili yung pangsweldo nung janitor?

Yoko: *tingin ng costume* Ok lang, sinesante ko na siya.

Yamapi: Ano ba talaga ang balak mo?

Yoko: Hehehehe. *evil smile*


FAST FORWARD. Adriatico, Malate, Manila. 11:00 PM eksakto.


Baklang makapal ang lips: Ahahay, sizzz! It’s happy hour na sa “Bukirin”!

Baklang blonde: Korak ka jan sizzz! Let'z go nah at magkastah ahahay!

Manikurista ng isang salon: Teka, ano ba yang happy hour na yan?

Baklang makapal ang lips: Basta siztah, masaya yan… Happy nga eh.

Estudyanteng crossdresser: Baka naman kung ano na yan huh, ayaw kong masira ang maganda kong reputasyon sa school. Baka din magselos ang boyfriend ko nyan.

Baklang blonde: Ay nakow, pagpasok nyo, tiyak kong makakalimutan nyo lahat ng worriez nyo! *tinulak ang manikurista at crossdresser papasok ng bar*


Pumasok sa “Bukirin” Music: Macarena… Upo malapit sa stage. Sila pa lang ang tao.

 
Yamapi: *sigaw from behind the curtain* SINO ANG GUSTONG MAGKASTA!!!!

Dalawang bakla: AKOH!!!

Crossdresser at Manikurista: *sweatdrops*

Yamapi: *labas na suot yung cow costume* MOOOOOOHHH! MOOOOOOOOOOHHH!

Dalawang bakla: AAAAAYYYYYYY!!!!!!!!

Crossdresser: Pambata ba itong napasukan natin?

Manikurista: Ang weird naman ng place na ito.

Yamapi: Opisyal nang nagsisimula ang Happy hour dito sa “Bukirin”! Ngayon, lalabas na ang MANGGAGATAS!!!


PLAY MUSIC:  Mr. Boombastic


Pumasok si Yoko wearing diapers, bowtie, bowler hat, and… and… yun lang. O_O

Dalawang bakla: *nagwawala*

Crossdresser at Manikurista: *tunaw ang utak at di na makatingin ng stage sa sobrang kahihiyan para sa manggagatas*

Yoko: *nagsasayaw ng mala-strip tease… Kaso sa bawat paggiling niya ay maririnig mo ang mga buto niya na nagtutunugan. Lumapit din siya sa may pole at dun nagsasayaw. Maya-maya ay nilapitan na sa mesa sina Kame.*

Yoko: *kinuha ang order slip sa harap ng diaper nya* Ano pong order nila?

Baklang makapal ang lips: The usual. Dalawang PI milk. Kayo, gusto nyo din ba? *tingin sa dalawang kasama nila*

Crossdresser: Si-sige lang.

Yoko: *kumekembot papunta sa kitchen* Yamapi! Yoohoo, YAMAPI! May order ka na apat na gatas!

Yamapi: Coming right up!


After five minutes, nilabas na ni Yoko ang mga order nila. Pagkatapos ibigay, nagpunta ulit sa stage para kumendeng. Tuloy-tuloy ang paglagutok ng kanyang buto. Nung wala na siyang masayaw pinatulan na niya ang aerobics dance step na nakita niya sa TV nung umaga lang. Sinimulan na niyang mag-sit up at magpush up sa saliw ng tugtuging Numa Numa Dance. Di pa nakuntento at nag-egg roll pa na natutunan niya nung high school siya. Maya-maya ay lumabas na din si Yamapi na naka COW costume pa rin. Tagaktak ang pawis ni Yoko sa buong katawan.

Yoko: *hingal* Nagu---nagustuhan niyo ba ang *hingal* ginawa koooooh? *bulong* Yamapi ANONG ORAS NA? ALAS-SAIS NA BA?

Baklang blonde: AYYY NAKOOOOH. *HIKAB*

Yamapi: Uhhh boss... mag-aalas dose pa lang. Wala pa kayong ten minutes nagsasayaw. *sweat*

Yoko: DI NGA??? SERYOSOH KAH??? O_O;;;;; *hingal hingal*

Yamapi: Yoko, seryoso ako. Kailangan mong mag-work out. Sa sobrang taba mo nahihirapan ka nang kumilos... *tingin sa bilbil ni Yoko*

Yoko: Siya siya... pagsayawin niyo muna sila... *hingal hingal* Ka---kahit sino basta THE SHOW MUST GO ON. *upo sa sulok*

Yamapi: O... ok... *akyat ng stage at kinuha ang mic* Sino ang may gusto ng freshly-squeezed milk?!

Dalawang bakla: AKOW!!!

Yoko: *na-revive. agaw ng mic kay Yamapi* Kung ganon… Samahan nyo akong kantahin ang ating theme song sa pagkakasta habang tayo’y naggagatas ng baka!

Manikurista at Crossdresser: *sweatdrops while drinking their milk*

Yoko at Dalawang bakla: *nagsimulang kumanta. Play music: SASAKYAN KITA KARAOKE VERSION*

Sasakyan kita… sa lahat ng gusto mo.

Yamapi: Moo!

Yoko at Dalawang bakla: Sasakyan kita-ah… Basta sasakyan... mo rin akow.

Yamapi: Moo!

Yoko: *hinawakan ang “udder” ni Yamapi* Kung gusto mo ng milk!

Baklang makapal ang lips: Sige, kumuha lang.

Yoko: Kung gusto mo ay fresh!

Baklang blonde: Sige, pisilin lang.

Yoko: Kung gusto mo’y with cream!

Dalawang bakla: Sige, sabihin lang.

Yamapi: Kung gusto niyo’y unique,

Yoko: Punta na sa BUKIRIN!!!

Yamapi: MOooooOOO!!

Yoko: Kung sino ang highest bidder natin ngayon gabi, siya ang makakuha ng isa pang cow costume. *pakita cow costume* At magkakasta sila ng aking kalabaw, este baka. *kasi mukhang pangkalabaw yung cow costume ni Yamapi*

Ganyan. Ganyan po kaya ako kumikita. At dahil kumita na kami, naging resto na rin kami. Kahit papaano may mga customer na rin... bukod sa dalawang baklang yon. *turo sa dalawang bakla at mga kasama nito*

Manikurista at Crossdresser: *sweatdrops*

Manikurista: Uwi na nga tayo!

Crossdresser: Oo nga. *tumayo na sila at pumunta sa may door. Di nila ito mabuksan. Napatingin sila sa may stage.*

Baklang blonde: Di niyo mabubuksan yan. Automatic lock yan at magbubukas lang pagdating ng 6am.

Baklang makapal ang lips: Enjoy na lang kayo till 6… oh, gusto nyo pa ng milk? *Abot ng baso na may gatas galing kay Yamapi.

Manikurista at Crossdresser: *nagkatitigan at sabay tumakbo para sumuka sa may CR.*


Tuloy pa rin ang pagsasayaw ni Yoko kahit di na siya pinapansin ng mga bakla dahil kay Yamapi. Pero, may naramdaman siyang nag-ipit ng “pera” sa diaper niya habang nakatalikod siya.

 
Baklang makapal ang lips: Yoko, wag mong pilitin sarili mo, tingnan mo, napapabawas ka na sa diaper mo.

Yoko: Anong nagbabawas ka diyan?

Yamapi: *tingin diaper ni Yoko* Hahaha!!! Tigas ng jerbs mo ah. Tinutubol ka no? [Tubol = matigas na jerbs]

Yoko: *Punta ng kubeta, kaso ni-lock ng dalawa. Napilitang pumunta ng kitchen para dun tingnan ang nakaipit sa diaper niya.*

Yoko: *gulat* ANO ITONG KULAY BLACK NA ITO?!

 

- End ng Unang Kabanata -

A/N: Eto nga pala yung official THEME SONG namin para kay Yoko habang nagsasayaw sa bar niya. (SANA TALAGA MAY MAGPHOTOMANIP NETO OMGGGGG *himatay*)



Enjoy ba? Maghihintay kami sa inyong comments. Nyahahahaha!

 

Tags: eito rangers, fanfiction
  • Post a new comment

    Error

    default userpic

    Your IP address will be recorded 

  • 56 comments